Pinagpapaliwanag ng Senate impeachment court sina Rep. Terry Ridon at Atty. Jay Tolosa dahil sa posibleng paglabag sa sub-judice rule sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Kahapon ay inanunsyo ni trial Presiding Officer Chiz Escudero ang pagpapadala ng impeachment court ng mga show cause order sa dalawang miyembro ng house prosecution panel.
Ayon kay Sen. Escudero, inilabas ang mga kautusan alinsunod sa direktiba ng korte noong August 26 na mahigpit na ipatupad ang rule 18 ng rules of procedure sa impeachment trial.
Ang paglabas sa dalawang show cause order ay Moto Proprio o sariling desyon at discretion ng impeachment court.
Si Tolosa umano ay sinita dahil sa isa niyang panayam noong September 8.
Si Rep. Ridon naman ay mayroon umanong dalawang posibleng paglabag dahil sa naging panayam niya noong September 14 at 15.
Mayroon namang 24 oras ang dalawa para magpaliwanag sa korte kung bakit Hindi dapat ituring na paglabag sa sub-judice rule ang kanilang mga pahayag.
















