-- Advertisements --
Nakahanda na ang susuotin ng mga atleta ng bansa para sa opening ceremony ng 20th Asian Gamess sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ang mga atleta ay magsusuot ng “Malaya” Barong na ito ay gawa ng kilalang Pinoy fashion designer na si Francis Libiran.
Bawat barong ay mayroong desensyo na sinag at kulay ng watawat ng bansaa.
Inspirado ito sa jusi, Baybayin at Kalinga patterns.
Sinabi ni Libiran na ang mga nagdadala ng bandila ng bansa ay gumagawa ng kakaiba na nagdadala ng kuwento.
Paparesan ang barong ng “Malaya” cap na may desensyo rin ng watawat ng bansa.
















