Naiwan ang top 4 ng Women’s Tennis Association (WTA) sa semifinals ng nagpapatuloy na 2026 US Open.
Kinabibilangan ito nina Aryna Sabalenka (1), Elena Rybakina (2), Jessica Pegula (3), at Coco Gauff (4).
Sa semis, haharapin ni Sabalenka ang tennis champion na si Pegula habang maghaharap naman sina Gauff at ang Kazakhstani tennis star na si Rybakina.
Sa apat na natitirang maglalaro sa 2026 US Open Women’s Singles, hawak ni Sabalenka ang pinakamataas na tsansa ng panalo o posibilidad na mabulsa ang championship trophy.
Sinusundan siya ng American star na si Gauff, habang itinuturing na underdog ang World No. 3 na si Pegula.
Inaasahang magiging napakadikit ng matchup nina Gauff at Rybakina dahil sa magkasalungat nilang estilo, kung saan ang defensive speed at home-crowd advantage ni Gauff sa New York ang kanyang itatapat sa world-class power serve at precise shotmaking ng bagong World No. 1 na si Rybakina.
Sa laban naman nina Sabalenka at Pegula, inaasahang magiging mas dominante ang mga strike ng una, lalo at hawak nito ang win-loss advantage (9-4) sa kanilang mga nakaraang paghaharap.















