Nagsimula ng mag-ensayo si Pinay tennis star Alex Eala para sa ikatlong round ng US Open.
Makakaharap nito sa ikatlong round si Iva Jovic ng US na gaganapin ng umaga ng Linggo, Setyembre 6 ng ala-7 ng umaga oras sa Pilipinas.
Gaganapin ito sa Arthur Ashe Stadium ang tinaguriang pinakamalaking tennis stadium sa buong mundo.
Ang nasabing stadium ay mayroong capacity na 23,000.
Naglaro na ang dalawa sa Arthur Ashe Stadium sa isang exhibiton game bago ang pormal na pagsisimula ng US Open.
Unang ginanap kasi ang dalawang laban ng 21-anyos na si Eala sa Louis Armstrong Stadium na mayroong capacity na 14,000.
Sa dalawang paghaharap nila ay parehas na nabigo ang Pinay tennis star.
Una ay sa first round ng French Open noong Mayo at pangalawa ay sa HSBC Championships sa London sa Hunyo.
















