-- Advertisements --

Humahagupit na sa Central Visayas ang typhoon Tino.

Ayon sa pinakahuling data mula sa Masbate at Mactan Doppler Weather Radars, ang sentro ng bagyong Tino ay nasa baybayin ng San Francisco, Cebu.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 km/h malapit sa gitna.

May pagbugso naman ng hangin na hanggang 205 km/h.

Kumikilos ito nang 25 km/h patungong kanluran.

Signal No. 4
Visayas: Kanluran at timog Leyte, hilaga at gitnang Cebu (kasama ang Camotes at Bantayan Islands), hilagang-silangang Bohol, hilagang Negros Oriental, hilaga ng Negros Occidental, Guimaras, gitna at timog Iloilo, at timog Antique

Signal No. 3
Luzon: Cuyo Islands
Visayas: Southern Leyte, gitna at silangang Bohol, hilagang Negros Oriental, gitnang Negros Occidental, natitirang bahagi ng Iloilo, timog Capiz, gitnang Antique

Signal No. 2
Luzon: Timog Masbate, timog Romblon, timog Oriental at Occidental Mindoro, hilagang Palawan (kasama ang Calamian Islands)
Visayas: Gitna at timog Eastern Samar at Samar, natitirang bahagi ng Leyte, Biliran, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Occidental, Siquijor, Capiz, Aklan, Antique (kasama ang Caluya Islands)
Mindanao: Dinagat Islands, Surigao del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande), Camiguin

Signal No. 1
Luzon: Albay, Sorsogon, natitirang bahagi ng Masbate, timog Quezon, timog Marinduque, natitirang bahagi ng Romblon, Oriental at Occidental Mindoro, gitnang Palawan (kasama ang Cagayancillo Islands)
Visayas: Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Negros Oriental
Mindanao: Hilagang Surigao del Sur, hilagang-silangang Agusan del Sur, Agusan del Norte, Misamis Oriental, hilagang Bukidnon, hilagang Misamis Occidental, hilagang Zamboanga del Norte