-- Advertisements --
Aabot na sa 95 na mga Palestino ang nasawi sa loob lamang ng isang araw sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza.
Ayon sa Health Ministry Office ng Gaza, na mayroon din 440 na iba pa ang nasugatan sa insidente.
Sa loob lamang ng isang araw ay nakatuon ang Israel sa pag-atake nila sa bahagi ng Deir el-Balah.
Magugunitang maraming mga bansa na ang nagkondina sa patuloy na ginagawang pag-atake ng Israel sa mga Palestino maging ang pila ng mga pagkain sa Gaza ay hindi pinatawad ng mga Israel Defense Forces.