-- Advertisements --

Iniulat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III na nasa 95% ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas ay hindi pa bakunado.

Ayon kay Duque malaking porsyento ng mga namamatay dahil sa COVID-19 ay mga senior citizens sa bansa.

Samantalang, nakitang nasa 85% ang mga na-admit na severe at critical covid19 cases na hindi pa bakunado.

Sa naturang data ayon kay Duque patunay aniya ito na ang pagbabakuna at pag-obserba sa minimum health and safety protocols ay ang pinakaepektibong pagtugon laban sa COVID-19 pandemic.

Muling panawagan ng DOH sa mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 na magpabakuna na dahil sa ito ay libre, ligtas at epektibo na siyang long term solution laban sa nakamamatay na sakit.

Sa datos nitong Abril 21 nasa 74.8% na ng target population o aabot sa 67 million katao ang bakunado laban sa COVID-19.