-- Advertisements --

Mayroong 93 percent ng mga adult Filipinos ang umaasang natapos na krisis dulot ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang lumabas na pinakahuling survey ng Social Weather Station kung saan mayroong 1,200 na mga adults ang kanilang sinurvey na isinagawa mula Disyebmre 10 hanggang 14.

Lumabas din sa survey na mayroong 59 percent ang labis na nababahala, habang 18 percent ang bahagyang nababahala, siyam na porsyento ang hindi gaanong nababahala at 13 percent ang hindi nababahala na muli pang mananalasa ang COVID-19.

Magugunitang iniulat ng Department of Health ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.