-- Advertisements --
FACEMASK

Positibo ang nasa 9 mula sa 10 Pilipino na haharapin ang nalalapit na bagong taon ng may pag-asa ayon sa syrvey mula sa Pulse Asia.

Nasa 8% ang hindi masabi kung sila ay hopeful o walang nakikitang pag-asa para sa 2023 habang maliit na porsyento lamang o nasa 0.1% lang walang pag-asa.

Sa nasabing survey, pinakamarami sa national capital region na nasa 94% ang may mataas na pag-asa para sa 2023 sinundan ng Balance Luzon (89%), Visayas (99%) at Mindanao (89%).

Nang matanong naman ang mga ito kung paano ang kanilang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon, nasa 43% ng respondents ang nagsabi na ” more prosperous” holiday celebration ngayong taon kumpara noong nakalipas 2021, 52% ay magiging pareho lang habang nasa 6% ang nagsabing “poorer” kesa noong nakalipas na taon.

Karamihan ang nagsabing mas prosperous ang kanilang pagdiriwang ng holiday ngayong taon ay mula sa Visayas na nasa 66% habang nasa 58% naman sa Metro Manila ang nagsabi na magiging pareho lang sa nakalipas na taon.

Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 Pilipino mula November 27 hanggang December 1 ng kasalukuyang taon.