-- Advertisements --

Patay ang 92-taong gulang na lola matapos nasunog ang kanyang kubo sa Barangay Balaring, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang biktima kay Cecilia Zaldivar, at residente ng nasabing lugar.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo sa Bureau of Fire Protection-Ivisan, sinasabing tinulungan pa ng ilang residente na makalabas ang lola ng marinig ang paghingi ng tulong, ngunit dahil gawa sa light materials ang kubo nito, mabilis na natupok ng apoy ang kanyang tirahan.

Sinasabing dahil sa napabayaang niluluto, ang dahilan ng apoy.

Napag-alamang mag-isa lang sa kanyang kubo ang nasabing lola, dahil sa kagustuhan nito na mamuhay ng mag-isa.

Iginiit din ng mga anak nito na hindi nila pinapabayaan ang kanilang Ina na malapit lamang ang kanilang bahay sa kubo nito, hinahatiran pa nila ng pagkain ang kanilang Ina, ngunit hilig ng matanda na magluto ng kanyang makakain.

Sa ngayon ihahatid na ang bangkay ng biktima sa bahay ng isa sa kanyang anak sa nasabing barangay upang pagnilayan ng kanilang kamag-anak.