Napag-alaman sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Disyembre 2022 na karamihan sa mga Pilipino ay sumasang-ayon sa boluntaryong pagsusuot ng face mask.
Sa resulta ng survey na inilabas, ipinakita ng Social Weather Stations na 91 percent ng mga Pilipino ang pabor sa Executive Order (EO) 7 na inilabas noong 2022.
Ang EO ay nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa panloob at panlabas na mga lugar.
Sa 91 percent, 64 percent ang “strongly approve” habang 27 percent ang “somewhat approve”.
Sa mga sumasang-ayon sa EO, 54 percent ng mga Pilipino ang nagsabing gagamit pa rin sila ng face mask kapag lalabas ng bahay.
Dalawampu’t dalawang porsyento naman ang nagsabing magsusuot sila ng mga facemask kung kinakailangan lamang.
Sa kasalukuyan kasi, boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemask sa mga piling pampublikong lugar sa bansa.