-- Advertisements --
image 276

Nasa 91 ng kandidato para sa barangay at SK elections ang inisyuhan ng show cause order dahil sa umano’y election offenses gaya ng maagang pangangampaniya ayon sa Commission on Elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nabigyan ng tatlong araw ang mga kandidato pagkatanggap ng show cause order para ipaliwanag ang kanilang panig kaugnay sa mga akusasyon.

Saad pa ng Comelec chairman na resulta ito ng motu propio investigation ng poll body at mga natanggap na report ng ahensiya.

Kung saan may kapangyarihan ang Comelec na magimbestiga at maghain ng sarili nilangga reklamo laban sa mga kandidato na nakagawa ng election offenses.

Muling nagpaalala din ang ahensiya laban sa maagang pangangampaniya dahil sa Oktubre 19 hanggang 28 pa magsisimula ang panahon ng pangangampaniya.

Aniya, maituturing na preamture campaigning ang pagpapaskil ng posters at pag-promote ng sarili sa social media bago ang pagsisimula ng campaign period.