-- Advertisements --
image 23

sa 900 metro hanggang sa 1,500 metro ang taas ng plumes mula sa bulkang Taal.

Base sa lates bulletin mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), napadpad ang plumes sa hilagang kanlurang direksiyon.

Naobserbahan din sa bulkan ang upwelling ng hot volcanic fluids sa Main crater lake gayundin ang smog o haze na naglalaman ng volcanic dust at gas.

Nakapagtala naman ng isang volcanic earthquake at kabuuang 1,165 tonelda ng sulfur dioxide emission mula sa bulkan sa mga nakalipas na araw.

Nananatili naman ang alert level 1 sa Taal volcano kayat ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal volcano island o Permanent danger zone lalo na sa may main crater a Daang kastila fissures at pagbabangka sa may Taal lake.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimppawid malapit sa bulkan.

Nagbabala ang Phivolcs ng posibleng hazard gaya ng steam-driven, phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquake, minor ashfall at iba pang aktibidad ng aktibong bulkan na mapanganib.