-- Advertisements --
image 33

Tinatayang nasa 90% ng populasyon sa buong mundo ang mayroong resistance laban sa COVID-19 ayon sa World Health Organization (WHO).

Ito ay dahil na rin sa pagbabakuna o impeksiyon mula sa virus.

Subalit ibinabala ni World Health Organization director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus ang posibilidad ng paglitaw ng nakababahalang bagong variant ng virus dahil sa gaps sa pagiging alerto kontra sa deadly virus.

Ipinunto nito na ang agwat sa surveillance, testing, sequencing at vaccination ay magreresulta sa pagsibol ng bagong variant of concern na maaaring magdulot ng significant mortality.

Sinabi naman ng WHO official na malapit ng magtapos ang emergency phase ng pandemiya subalit hindi pa ngayon.