-- Advertisements --

Itinuturing na ang 90-anyos na si Ed Dwight bilang pinakamatandang tao na nagtungo sa kalawakan.

Kabilang kasi siya sa anim na katao na sumakay sa Blue Origin spacecraft na dinala sa kalawakan at nakabalik sa mundo sa pamamagitan ng parachute.

Taong 1961 ng piliin siya ni dating US President John F. Kennedy na maging unang black astronaut candidate sa bansa.

Subalit hindi siya napili ng NASA kaya wala itong tsansa na magtungo sa kalawakan.