Ikinaalarma ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) Ang pagkakahuli ng siyam na kataong nagbebenta ng iligal na droga sa loob mismo ng Malacañang complex.
Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, nahuli ang mga suspek sa serye ng operasyon ng NBI-Task Force Againts Illegal Drugs (TFAID).
Kabilang dito Sina Rolando Laya na siyang target ng operasyon, Bryan Jason Batrina, Ian Melvin Santiago, Freddie Nacion Jr, Esperanza Pido, Joan Garcia, Ronnie Gonzales Lao, Sulpicio Casuller Jr at Leonardo dela Cruz Asa.
Narekober sa mga suspek ang 5.4 grams ng shabu.
Sinabi naman ni Philippine Philippine Security Group (PSG) Spokesperson Capt. Zeerah Blanche Lucrecia, mas paiigtingin daw ngayon ng mga otoridad ang security sa Malacañang kasunod ng naturang insidente.
Pinawi rin niya ang pangamba ng publiko sa pagkakahuli ng mga suspek sa compound mismo ng Malacañang.
Ang pagkakahuli raw ng mga suspek ay nagpapakita lamang na aktibo ang mga otoridad sa kampanya laban sa iligal na droga.