Bureau of Immigration
-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Nag-negatibo na sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) swab test ang siyam na kawani ng Bureau of Immigration (BI) na pinaghihinalaang positibo sa naturang virus.

Ang siyam na BI officers ay naka-assign sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang mga empleyado ay isinalang sa confirmatory RT-PCR swab tests matapos mag-positibo sa rapid antibody test na isinagawa sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 5.

“We are elated upon learning that, so far, none of our frontliners at the NAIA have been infected by the virus,” ani Morente.

Patuloy naman ang pagsunod ng BI personnel sa health protocol para maiwasan silang madapuan ng naturang virus.

-- Advertisement --

Samantala, maging ang maging ang 43 umanong tauhan ng BI sa Clark International Airport sa Pampanga ay negatibo na rin sa naturang virus.

“This is a necessary measure we cannot forego in the face of this continuing pandemic,” ani Morente.