KORONADAL CITY – Nagpapagaling na sa ospital ang siyam na sakay ng isang multicab matapos na nahulog sa isang bangin sa Antipas, North Cotabato.

Base sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal ni Police Capt. Bernard Abarquez, kinilala ang mga nakaligtas na biktima na sina Virgilio Amandoron; Heber Caahao, 59; Mary Luiz Digal, 35; Glenda Dejesica, 39; Flordeliza Pacultan; Aser Guanzon, 48; Catherine Cañete, 46 at Jolly Beth Dayot, mga residente ng Barangay Gambodes, Arakan, North Cotabato.

Napag-alaman na nahulog ang sasakyan sa bangin na nasa 12 feet ang lalim.

Minamaneho ito ng kinilalang si Ronald Dayot na nagpahayag na nawalan ng preno ang sasakyan.

Samantala, nagpatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.