Nakapagtala ng siyam na maiikling phreatomagmatic bursts sa nakalipas na 24 oras ang Taal Volcano, ayon sa Phivolcs.
Sa isang advisory, sinabi ng Phivolcs na tumagal ng 10 segundo hanggang dalawang minuto ang mga naitalang mahihinang phreatomagmatic bursts.
Bukod dito, nagkaroon din ng 31 volcanic earthquakes kabilang na ang 14 na volcanic tremors ang Taal Volcano na tumagal ng isa hanggang talong minuto.
Nagkaroon din ng “voluminous” 2,000-meter na taas ng plume na nilipad din ng hangin sa southwest at northeast na direksyon.
Samantala, nasa 10,036 tonelada ng sulfur dioxide din ang tinatayang pinakawalan ng naturang bulkan kahapon, Enero 29.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 2 ang Taal Volcano, kung saan mayroon pa ring “probable intrusion” ng magma sa kalaliman nito na maaring magresulta sa magmatic eription, ayon sa Phivolcs.