-- Advertisements --

Patay ang walong mag-aaral at security guard matapos na sila ay pagbabarilin ng 13-anyos na suspek sa isang paaralan sa Belgrade, Serbia.

Naganap ang insidente sa Vladislav Ribnikar school ng central Vracar.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng pitong babae at isang lalaki na ang pinakabata ay edad 14.

Sugatan din sa insidente ang apat na lalaki at dalawang babae.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na pinagplanuhan ng suspek ng ilang buwan ang pamamaril kung saan nakita nila sa kaniyang upuan sa classroom ang listahan ng kaniyang mga target.

Pagpasok sa paaralan ng suspek ay agad itong nagpasabog ng molotov bomb at agad na binaril ang guardiyang nakatalaga.

Inaresto ng mga otoridad ang 14-anyos na suspek kasama ang ama nito na siyang may-ari ng baril.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad ay mayroong ilang baril ang magulang ng suspek kung saan ito ay nakatago at may code.

Maaring nalaman ng batang suspek ang code ng safe kung saan nandoon ang baril kaya dinala ang dalawang baril sa paaralan at nilagyan niya ito ng tig 15 bala bawat isa.