Nasa siyam na aktibista umano ang napatay habang anim ang nasugatan sa magkakasunod na police operations sa Calabarzon.
Ayon sa Police Regiona Office 4A public information office chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, nagsagawa ng malawakang pagsilbi ng search warrants ang PNP regional office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Army at Special Action Force laban sa mga terorista sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Anim ang nasawi sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite.
Naaresto naman ang tatlong katao sa Laguna at tatlo rin sa Rizal habang mayroong siyam na katao ang nakatakas at pinaghahanap.
Nakarekober ang mga otoridad ng pampasabog, ilang mga baril mula sa suspek.
Kinumpirma naman ni Bayan secretary general Renato Reyes na kabilang sa nasawi si Bayan Cavite coordinator Manny Asuncion na binaril sa raid sa Worker’s Assistance Center sa Dasmarinas City.
Kabilang naman sa mga naaresto ay sina Bayan Laguna spokesperson Mags Camoral sa Defend Yulo Farmers campaign headquarters sa Cabuyao, Laguna.