-- Advertisements --

Patay ang siyam na kapulisan sa Pakistan dahil sa naganap na suicide bombing.

Sinabi ni Kachhi Police senior superintendent Mehmood Notezai, na isang sasakyan umano na lulan ng mga kapulisan ang target ng nasabing bomba sa Sibi district.

Inako naman ng grupong Tehreek e Jihad Pakistan (TJP) isang bagong buong militant group ang nasabing insidente.

Ayon sa grupo na itinaguyod nila ang grupo noong Pebrero 23 para palawakin ang Islamic system sa Pakistan sa pamamagitan ng paggamit ng “armed Jihad”.

Itinuturing na ito ang unang malaking pag-atake ng grupo.