-- Advertisements --
Iniulat ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na muli na namang nadagdagan ng 74 na mga bagong kaso na overseas Filipinos na nagpositibo sa coronavirus.
Dahil dito umakyat na sa 8,762 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad ang nahawaan ng COVID-19.
Ayon sa DFA, karamihan umano sa mga kasong ito ay nagmula sa Middle East.
Samantala, mahigit na rin sa 2,900 ang gumaling makaraang 19 pa ang mga nakarekober.
“Asia and the Pacific, Europe, and Middle East; and 13 new deaths reported in the Middle East as well,” bahagi ng ulat ng DFA. “Moreover, the DFA also received a report from another country in Africa which brings the total number of countries/ regions with COVID-19 cases among Filipinos to 63.”