BUTUAN CITY – Umabot dito sa lungsod ng Butuan nitong hapon ng Martes ang 87 mga local stranded individuals o LSIs na galing ng Cebu City sakay ng isang flight ng Philippine Airlines matapos ma-stranded ng iilang linggo nang ma-abutan ng enhanced community quarantine o ECQ.
Sa nasabing mga LSIs ay sinundo sa kinumisyong mga serives vehicles ng mga local government units sa mga lugar na kanilang tinirahan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PLt. Abel Bulawan, tagapagsalita ng Butuan City Police Office, na sa nasabing bilang, 20 sa mga ito ang taga-Agusan del Norte na dinala na sa provincial hospital habang 47 naman ang mga Butuanons na idiniretso rin sa quarantine facility ng Brgy. Baan Km. 3 para sa gagawing mga health protocols.
Dagdag pa ng opisyal, isina-ilalim sila sa rapid anti-body test kungsaan ang magnegatibo ay ihahatid sa kani-kanilang bahay habang ang mga magpositibo naman sa COVID-19 ay isasa-ilalim sa 14-day quarantine bilang pagsunod sa health protocol ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).