Aabot sa 8,361 na bagong COVID-19 cases ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong hapon, dahilan para umakyat naman ang total caseload sa 3,609,568 kahit pa dalawang laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang datos nang on time.
Sa ngayon, mayroon nang 126,227 na active cases pa rin ang Pilipinas, kung saan 4,864 dito ay pawang mga asymptomatic; 116,598 ang mild; at 1,447 ang severe; at 310 ang critical condition.
Ang mga rehiyon na may pinakamaraming mga kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na mayroong 863, sunod ang Region II na may 683, at Region 6 na may 657.
Umakyat din ang total recoveries sa 3,428,815 matapos na 18,431 pang pasyente ang gumaling sa sakit.
Ang death toll naman ay pumapalo na sa 54,526 dahil sa 312 new fatalities na naitala.