Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa 815 overseas Filipino workers ang apektado kasundo ng suspensiyon ng Kuwaiti government sa bagong visa para sa mga Pilipino.
Nasa 515 sa mga apektado ay mga domestic workers habang ang iba naman ay nagtratrabaho sa service industries bilang waiters, vendors, sales associate at nurses.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople bibigyan ng financial packages at trabaho ang mga displaced OFWs kasabay ng paghahanap ng paraan pamahalaan para matugunan ang kasalukuyang isyu.
Sinabi ni Ople na makikipagpulong ang DMW sa private recruitment agencies na may job order sa Kuwait at iba pa para talakayin ang joint efforts para matulungan ang mga manggagawa na makahanap ng trabaho mapa-foreign o local employemnt upang hindi dila mawalan ng kabuhayan.
Inihahanda na ng DMW ang monetary aid package na P30,000 para sa bawat holder ng Overses Employment Certificate o OEC na gumatos na para makapagtrabaho sa Kuwait.
Samantala, ang kautusan ng Kuwaiti government sa visa suspension ay para lamang sa mga bagong OFWs at hindi maaapektuhan dito ang 270,000 OFws na nagtratrabaho na sa Gulf state.