Binabantayan ng National Irrigation Administration o NIA ang mga palayan sa Central Luzon dahil sa pagbaba ng produksiyon nito dulot ng nakaambang na El Nino.
Sa isang panayam, sinabi ni NIA administration Eduardo Guillen na maaaring umabot sa 20 percent ng sakahan ng bansa ang maaapektuhan ng El Nino dahil sa kakulangan ng supply ng tubig.
Ibinahagi rin ni Guillen na ang direktiba raw ni Pangulong Bongbong Marcos ay magtanim ng high-yielding rice varieties sa mga lugar na may sapat na irigasyon upang mapunan ang mga maaapektuhan ng El Nino.
Ibinunyag din ni Guillen na halos 50,000 ektaryang taniman sa lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, at Tarlac ang maaapektuhan ng kakapusan ng irigasyon mula sa Pantabangan Dam habang 30,000 ektarya naman ang apektado sa parte ng Central Luzon.
Makakatanggap naman daw ng tulong ang mga magsasakang apektado mula sa Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng cash-for-work programs.