Bilang hakbang upang hindi na kumalat pa ang COVID-19 sa California state prisons ay napagdesisyunan ng estado na palayin ang nasa 8,000 preso sa Agosto.

“Too many people are incarcerated for too long in facilities that spread poor health. Supporting the health and safety of all Californians means releasing people unnecessarily incarcerated and transforming our justice system,” saad ni Jay Jordan, Executive Director ng Californians for Safety and Justice.

Simula noong pandemic ay halos 10,000 katao na ang pinapalaya ng California ayon sa Department of Corrections ng estado.

Patuloy naman ang panghihikayat ng mga aktibista sa governor ng California upang pagtuunan ng pansin ang outbreak sa San Quentin prison kung saan mahigit 200 staff at 1,300 preso ang dinapuan ng deadly virus habang anim na ang nasawi.