-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Aabot sa 80 team na mula sa Northern at Southern Luzon kabilang na ang National Capital Region ang lalahok sa Luzon Little League Baseball competition.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni General Service Officer Ricky Laggui ng Lunsod ng Ilagan na ang Luzon Little League Baseball competition ay pinaghahandaan at pinagpulungan na para sa accomodation, program, peace and order, playing venues at iba pa para sa gaganaping Luzon Little League Baseball competition.

Kasama sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Department of Education, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, mga opisyal ng barangay, mga kasapi ng Sangguniang Bayan at Pamahalaang Lunsod ng Ilagan.

Ang arrival ng mga teams ay sa February 4, February 5 ay ang parade and openning program habang sa February 6 ang pagsisimula ng laro at magtatapos sa February 12.

Ang finals ng Little League Baseball ay gaganapin din sa lunsod ng Ilagan sa April 16, 2023, na lalahukan ng halos isang daang teams.