-- Advertisements --

Nasa 80 katao ang nasawi matapos ang naganap na drone attack sa isang military college sa Homs, Syria.

Walang grupo ang umako sa nasabing pag-atake na hinihinala ng mga opisyal ng Syria ay kagagawan ng mga natitirang miyembro ng Islamic State.

Ilang oras matapos ang drone strike ay naitala ang pag-atake ng Syrian government sa rebel-controlled na Idlib at nagtala ng anim katao ang nasawi.

Pinabagsak rin ng US military ang isang Turkish drone na nakalapit sa kanilang sundalong nakatalaga sa northern Syria.