-- Advertisements --

Nagpalipas ng magdamag ang mahigit 80 pamilya sa covered court ng Epifanio Delos Santos Elementary School at Pasay North School matapos na tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay kagabi.

Umabot sa halos apat na oras bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na itinaas pa ito sa ikatlong alarma na sumiklab sa F. Victor Street sa Tramo, Pasay City.

Nahirapan ang BFP na makarating sa lugar dahil sa sikip ng kalsada sa lugar.

Hindi bababa sa 30 kabahayan na gawa sa light materials ang natupok ng apoy.

Nagtulong-tulong na rin ang mga residente para tuluyang maapula ang nasabing sunog.

Nagpamigay naman ng mga kumot, banig, face mask si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga nasunugang residente.