-- Advertisements --
MARLON CASQUEJO

Umabot na sa 80 percent mula sa kabuuang 97,345 vote counting machine (VCM) ang isinailalim sa refurbishment ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo, ang naturang mga VCM ay gagamitin sa 2022 national at local elections.

Dapat din umanong matapos na ang pagsasaayos sa mga VCM sa Nobyembre 15 na ilalagay sa 1,000 voter cluster precincts.

Sa ngayon, kailangan pa raw ng Comelec na madagdagan ang mga VCM ng 10,000 units para mapababa ang voter cluster precincts sa 800.

Noong buwan ng Mayo ngayong taon nang naglaan ang komisyon sa Smartmatic ng P402.7 million contract para sa software na gagamitin sa May 2022 automated elections.