Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang umano’y walong miyembro ng “Warla” kidnapping group na
Ayon kay CIDG chief Police Brigadier General Ronald Lee, ang miyembro ng naturang criminal group ay transwomen at kanilang partners. Nagpapanggap ang mga ito na magagandang babai at sa oras na pumayag ang kanilang bibiktimahin na makipagkita sa kanila para makipag-date saka nila dudukutin.
Sinabi din ni CIDG chief na binibiktima ng mga ito ay foreign nationals partikular na ang Asian nationals. Ilan pa sa kanilang mga biktima ay empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) habang ilan naman ay mga businessmen.
Isa sa mga nabiktima ng Warla kidnapping group ay natukoy na isang Taiwanese national na si Michael Lee na dinukot sa may Parañaque noong Setyembre 3 at narecue ng mga awtoridad noong Setyembre 7.
Una rito ayon sa CIDG, nagdemand ang mga suspek ng malaking halaga ng pera mula sa kaibigan ng biktima kapalit ng pagpapalaya sa kaniya. Nakapagbigay ang mga kaibigan ng biktima ng P308,000 sa limang magkakaibang mobile wallet accounts.
Natracked naman ng police ang payment transactions at doon na natunton ang mga suspek na sina Dewie Shaine Collado Garcia, Charlemagne Olunan Vargas, at Christian Paredes na sumuko naman sa mga awtoridad.
Habang ang limang suspek naman ay natukoy na sina Jun Francis Pavillar Villa, Lawrenz Descartin Lingo, Jhonas Grimpula Belonio, Bernard Ty Torres, and Mark Joseph Dagame Pelonio na naaresto sa entrapment operations na sangkot din sa illegal weapons,
Ayon sa CIDG, nabuo ang kidnapping group noong 2018 na pinamumunuan ng isang nagngangalang Mikey Ebol or Mike Collado Ebol. Nag-ooperate ang mga ito sa southern part ng Metro Manila.
-- Advertisements --