-- Advertisements --
Patay ang walong katao matapos ang paglubog ng cargo ship sa karagatan ng Japan.
Karamihan sa mga sakay ng Jin Tian cargo ship ay mga Chinese nationals.
Nagtulong-tulong na ang coast guard ng Japan, South Korea at ilang mga pribadong barko para sa rescue operations.
Nailigtas naman ang limang katao na sila ay dinala na sa pagamutan.
Ayon sa Marine Traffic na ang Hong Kong flagged vessel na pagkagaling ng pantalan ng Klang sa Malaysia noong nakaraang buwan at nakatakdang dumating sa Incheon, South Korea subalit nangyari ang aksidente.