Patay ang walong katao matapos na tupukin ng apoy ang three-storey building sa southern Polish ski resort ng Szczyrk.

Nakita na lamang sa loob ng nasunog ng gusali ang bangkay ng apat na bata at apat na may edad na.

Nagtulong-tulong ang nasa 200 na bumbero at rescuers para mailigtas ang ibang mga naninirahan sa gusali.

Sinasabing mula sa pagsabog ng gas sa gusali ang sanhi ng sunog.