-- Advertisements --
Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na naganap sa residential area sa Village A, Barangay UP Campus, Quezon City na ikinamatay ng walong katao.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), anim daw sa mga namatay ang natagpuan sa isang silid.
Sinasabing madaling nasunog ang mga bahay dahil gawa ang mga ito ng light materials.
Idineklarang fireout ang sunog dakong alas-7:00 na ng umaga.
Mayroon umanong mga nasugatang residente matapos tumalon sa labas ng kanilang mga bahay.
Nananatili ngayon sa evacuation centers ang 250 na pamilyang apektado ng sunog.
Tinatayang nasa 80 kabahayan ang nasunog at patuloy pa ang assessment ng mga otoridad sa naitalang danyos ng naturang sunog.