-- Advertisements --

Patay ang walong katao matapos na sila ay pagbabarilin ng mga suspek sa loob ng train sa northern Nigeria.

Galing sa Nigerian capital na Abuja ang nasabing train patungo sa Kaduna City ng inatake ito ng mga armadong mga suspek.

Nasa mahigit 20 katao rin ang nasugatan na agad itinakbo sa pagamutan.

Bago nangyari ang atake ay nakarinig ang mga pasahero ng train ng dalawang pagsabog at doon binuksan ng mga suspek ang pintuan ng train at walang habas na pinagbabaril ang mga tao.

Patuloy ang ginagawa ng mga otoridad para mabawi umano ang mga dinukot ng mga armadong suspek.

Ito na ang pangalawang beses na inatake ng mga armadong suspek ang train na nangyari noong nakaraang anim na buwan.