-- Advertisements --
Patay ang walong katao habang marami pa ang nawawala matapos ang naganap na landslide sa Yunnan, China.
Ang landslide ay naganap sa Zhaotong City kung saan naipit ang 47 katao.
Mahigit 500 katao na rin na naninirahan sa lugar ang pinalikas habang pinakalat na ang mahigit 1,000 mga rescue workers.
Ipinag-utos naman ni Chinese President Xi Jinping ang mabilisang pag-rescue sa nagye-yelong lugar.
Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing landslide.