-- Advertisements --

turkey

Kinumpirma ng Turkish at Russian government na walang survivors sa nangyaring pagbagsak ng isang Russian fire-fighting aircraft kung saan walong katao ang onboard sa naturang eroplano.

Naganap ang nasabing air tragedy matapos makontrol na ng Turkey ang nangyayaring wildfire sa isang remote mountainous zone, sa southern part ng Turkey.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa kaniyang Turkish counterpart na si Recep Tayyip Erodgan hinggil sa nangyaring trahedya.

Ayon naman kay Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu na sila ay nagdadalamhati kasunod ng trahedya at binigyang-diin na hindi kailanman makakalimutan ang heroic sacrifice ng walong indibidwal na nasa isang fire-fighting mission.

Iniulat naman ng Moscow na limang Russian servicemen at tatlong Turkish citizens ang onboard sa Russian Be-200 plane na bumagsak.

Ayon naman sa pahayag ng Turkey’s defense ministry ang nasabing aircraft ay nag-take off mula sa Adana para tumulong sa pag-apula sa nangyayaring forest fire sa Kahramanmaras province.

Ayon kay Kahramanmaras Governor Omer Faruk Coskun, nagsimula ang wildfire ng tamaan ng kidlat ang mga puno.

“We had dispatched a plane to the area but we lost communication with the plane a while ago and it crashed. The situation is very new. We dispatched many units to the area where the plane crashed,” pahayag ng gobernador.

Sa panig naman ni Turkey’s forestry minister, Bekir Pakdemirli, nasa 299 fires na ang kanilang nakontrol sa loob ng 16 na araw dahil sa tulong ng mga firefighters, helicopters at airplane.

Nakapagtala na rin sila ng walong katao na namatay dahil sa wildfire. (AFP)