-- Advertisements --
Sugatan ang walong katao matapos ang pagragasa ng sasakyan sa isang shopping center sa Tel Aviv.
Matapos na magsagasa ay pinagsasaksak pa ng suspek ang mga ilang mga katao na nasa lugar.
Itinuturing ng kapulisan na isang terror attack ang insidente.
Inako ng grupong Hamas ang nasabing insidente bilang ganti sa ginawang operasyon ng Israel military sa Jenin refugee camp.
Magugunitang nagsagawa ng operasyon ang Israel military sa Jenin refugee camp kung saan pugad umano ito ng mga Palestinian militants na nagresulta sa pagkasawi ng 10 katao.