-- Advertisements --

Nasa walong katao ang na-trapped at limang iba pa ang nasugatan sa pagguho ng gusali sa Marseille city sa France.

Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagguho ng gusali.

Nadamay naman ang ilang bahagi ng katabing gusali dahil sa nangyaring pagguho.

Dahil sa pangyayari ay pinalikas ang nasa 200 katao mula sa katabing gusali.