Dahil pa rin sa mahigpit na pagpapatupad ng Nationa Bureau of Investigation (NBI) sa batas laban sa environmental crimes, walong katao ang inaresto ng mga operatiba ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) dahil sa illegal quarrying sa Tarlac City.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor ang mga naarestong suspek ay sina Rene Santiago, Joseph Acuna, Norman Ibasco, Jeovy Mojello, Raul Laxamana, Ernesto Torres, Reynaldo Balajadia at Ryan Santos.
Naaresto ang mga suspek sa isinagang operasyon matapos makatanggap ang NBI ng impormasyon na mayroong quarry operation sa lugar at ang isinasagawang pag-proseso ng minerals sa Brgy. Telabanca, Concepcion, Tarlac na walang kaukulang permit sa Provincial Mining Regulatory Board ng Tarlac at Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau Region III (DENR-MGB Region III).
Base sa updated list ng quary permits noong Enero 28, 2020 mula sa Office of the Governor ng Tarlac, wala umanong na-isyung quarry permits sa Brgy. Telabanca, Concepcion, Tarlac.
Sa isa namang certification mula sa MGB-Region III, mayroon lamang dalawang mining tenements (Industrial Sand and Gravel Permit) na inisyu ang probinsiya ng Tarlac.
Hindi umano kasali rito ang J2KAT Vibro Sand Trading kayat nagsawaga agad ng operasyon ang NBI.
Narekober naman sa mga suspek ang booklet ng delivery receipt ng J2KAT Vibro Sand Trading na malinaw umanong patunay na nagbebenta ang mga ito ng vibro sand.
Nakalagay sa delivery receipt ang owner/operation manager ng J2KAT Trading na si Mark John M. Gopez.
Kasama rin sa nahuli si Ryan Antos, ang backhoe driver na kasalukuyang nag-o-perate nang isagawa ang operasyon.
Base sa resibo ng mga heavy equipment at minerals na natagpuan sa quarry site ay nagkakahalaga ng P3,942,000.
Humaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 3 of R.A. No. 7942 (Philippine Mining Act of 1995) na naisampa na sa Office of the Prosecutor General, Department of Justice (DoJ).
Si sa Gopez na sa ngayon ay nanatiling at large.