-- Advertisements --

Mayroon ng walong Conservatives ang maglalaban-laban para pumalit kay Boris Johnson bilang British Prime Minister at party leader.

Isasagawa ang unang round ng botohan ngayong Hulyo 13.

Itinturing na paboritong manalo si dating finance minister Rishi Sunak na sinunsundan nina Nadhim Zahawi at foreign minister Liz Truss.

Ayon sa 1922 Committee of Conservative members of parliament na sa mga susunod na linggo ay magiging dalawa na lamang ang pipiliin ng nasa 200,000 party members.

Ang mapipiling bagong prime minister ay iaanunsiyo sa Setyembre 5.