-- Advertisements --
QUEEN ELIZABETH 8 GRANDCHILDREN VIGIL

Magkakasamang nagsagawa ng vigil ang walong apo ng yumaong Queen Elizabeth II sa kaniyang lying in state.

Kasabay ito ng paghahanda ng royal family sa kaniyang state funeral kung saan siya ihahatid sa kaniyang huling hantungan.

Isinagawa ito ng mga apo ng reyna sa loob ng 15 minuto sa Westminster Hall, kung saan ito kasalukuyang nakalagak at binuksan sa publiko.

Kabilang sa mga apong nakiisa sa naturang vigil ay sina Prince William, at Prince Harry na kapwa nakasuot pa ng military uniform bilang pagtugon sa kahilingan ng kanilang ama na si King Charles III.

Dumalo rin ang mga anak nina Princess Anne na sina Zara Tindall at Peter Philips, mga anak ni Prince Andrew na sina Princess Beatrice at Princess Eugenie, at Lady Louise at Viscount Severn na mga anak naman ni Prince Edward.

Nandoon din ang Earl at Countess of Wessex upang suportahan naman ang kanilang mga anak na sina Louise at James dahil mas nakababata ang mga ito kumpara sa kanilang mga pinsan.

Samantala, magugunita na una rito ay nagsagawa na rin ng vigil sina King Charles III kasama ang kaniyang mga kapatid dalawang araw bago ang state funeral ni Queen Elizabeth II.