-- Advertisements --

MANILA – Inirekomenda na ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapalit sa araw ng COVID-19 test ng mga biyaherong papasok ng Pilipinas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, inihain nila sa IATF ang rekomendasyon na dapat sa pagitan ng ika-pito o ikawalong araw magpapa-test sa COVID-19 ang mga incoming traveler sa bansa.

“Pinakita ito nina Dr. Edsel (Salvana) at iba pang technical advisory group members.”

“Based on evidences that on the 7th or 8th day, andoon yung pinakamataas na porsyento that a person who might have the disease might turn positive.”

Hindi naman daw isinasantabi ng ahensya ang posibilidad na maaaring may virus na sa katawan ng biyahero sa pagitan ng una at ika-limang araw.

“Pero pinakamataas because the viral load is high on the 7th or 8th day.”

Ayon kay Vergeire, makakasiguro ang pamahalaan na tiyak ang resultang makukuha sa mga biyaherong isasailalim sa COVID-19 test ng ikapito o ika-walong araw.

Sa kabila nito nilinaw ng opisyal na pag-uusapan pa sa IATF ang rekomendasyon, kung aaprubahan ito at ipapatupad sa mga incoming travelers ng bansa.

“We are just being factual, giving evidences to state kaya kami nagre-rekomenda.”