-- Advertisements --
Hinatulan ng China ng habambuhay na pagkakakulong ang 78-anyos na US citizen dahi sa pang-iispiya.
Si John Shing-Wan Leung na permanent resident na ng Hong Kong ay hinatulan ng korte sa Suzhou City.
Hindi na nagbigay pa ang korte ng mga detalye sa alegasyon laban sa kaniya.
Naaresto si Leung sa lungsod dalawang taon na ang nakakalipas ng counterintelligence agency.
Ayon sa tagapag-salita ng US embassy sa Beijing na alam nila ang pangyayari.
Ang mga mabibigat na hatol sa mga dayuhan sa China ay madalang kung saan bumigat pa ang sitwasyon dahil sa tensiyon sa pagitan ng US at China.