-- Advertisements --
Pumalo na raw sa 77 percent ang lugi sa sektor ng turismo sa bansa mula nang magsimula ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Marso hanggang ngayong buwan ng Oktubre.
Wala namang nabanggit si Puyat kung ilang milyon o bilyong piso ang halaga ng lugi ng turismo pero milyon naman daw ang mawalan ng trabaho.
Aniya, noong 2019 at nasa 5.7 million ang mga nagkaroon ng trabaho sa bansa pero dahil sa naranasang pandemic ay nasa 4.8 milyon dito ang apektado.
Ang iba raw ay nawalan ng trabaho habang ang iba ay nanatili sa kanilang trabaho pero nabawasan naman ang sahod.
Kaya naman, iginiit ni Sec. Berna na dapat ay magbukas na ang mas maraming tourist destination para magkaroon na ng trabaho ang ating mga kababayan.