-- Advertisements --

Aabot na sa 77% ng COVID-19 intensive care unit beds sa Pilipinas ang ginagamit sa kasalukuyan, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kanilang latest data, sinabi ng DOH na 78% ng kabuuang 1,400 ICU beds sa National Capital Region (NCR) ang okupado na rin, dahilan para inilagay na ito sa ilalim ng high-risk category.

Samantala, 73% naman ng 16,000 ward beds sa buong bansa ang ginagamit na rin, habang 4,400 ward beds naman sa NCR ay 72 percent nang occupied.

Bukod dito, 57% ng 3,300 mechanical ventilators sa Pilipinas ang kasalukuyang ginagamit, habang 61% ng kabuuang 1,200 ventilators sa Metro Manila ay ginagamit din.