Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 77 diplomatic protests na ang inihain laban sa mga naging agresibong aksiyon ng China sa West Philippine Sea sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, nasa 195 diplomatic protests ang naihain sa gobyerno ng China noong 2022 habang nasa 10 naman ngayong taon.
Paliwanag ng opisyal na patuloy ang pagprotesta ng Pilipinas sa iligal na presensiya ng China sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas kabilang ang Ayungin Shoal.
Aniya, isa dito ay ang nangyaring insidente noong Pebrero 14 dahil sa mapanganib na pagmaniobra at paggamit ng military grade laser ng China laban sa Philippine Coast Guard vessel na nagdulot ng pansamantalang pakabulag ng mga crew at nakaantala sa kanilang resupply mission sa may BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Bilang tugon, maliban sa 4,000 karagdagang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG), magkakaroon din ng 21 bagong radar stations bago matapos ang kasalukuyang taon para mapalakas ang kanilang monitoring capability sa movement ng mga vessel sa karagatan.
Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo, ang Coastal Radar Stations Phase 1 project na binubuo ng 21 radar stations ay nasa Zamboanga Basilan-sulu-Tawi-tawi area, inner lanes at nasa eastern seaboard.
Subalit ang Coastal Radar Stations Phase 2, ang pagsama ng limang radar stations sa West Philippine sea area ay nakatakdang pang pag-usapan.