-- Advertisements --

Muling dumanas ng pagkatalo ang Washington Wizards matapos itong tambakan ng Philadelphia 76ers ng 45 points sa pagbabalik ng regular games sa NBA, kasunod ng pagtatapos ng in-season tournament.

Pinangunahan ni Joel Embiid ang depensa at opensa ng sixers kung saan sa loob lamang ng 30 mins ay gumawa na ito ng 34 points 10 rebounds double-double.

Nagtala naman ng 24 points si Tyrese Maxey, kasama ang anim na assists.

Ang dinanas ng Wizards na pagkatalo ay ang ika-19 na ngayong season, habang mistulang napako na ito sa tatlong panalo.

Ito naman ang ika-15 na panalo ng Sixers habang pito pa lamang ang mga pagkatalong naranasan nito.

Mistulang naglaro sa isang shooting contest Sixers sa kabuuan ng game matapos nilang magpakawala ng 43 big points sa simula pa lamang ng laro. 27 points lamang ang naging sagot dito ng Wizards.

Itinuloy pa ng Sixers ang magandang opensa at sunod-sunod na nagpakawala ng mahigit 30 points sa bawat kwarter.

Nakapag-pasok ang naturang team ng 20 3-pointers habang napanatili ang 43.5% sa three-point range.